
Si bro. Eli Soriano ay may katangiang wala sa iba pagdating sa pangangaral ng salita ng Dios, ang tao ay nasanay sa pakikinig sa kanilang pastor na wala na mang batayan, dinadaan lamang sa pataas-taas ng kamay pero hindi naman talagang naihahatid yong dapat maihatid sa tao. Si bro.Eli naman ay masasabi kong iba siya sa lahat ng nangangaral ngayon, hindi dahil sa miembro ako sa samahang ito, kundi sa prueba na nakita ko sa kanyang pangangaral, Yong program ni bro eli Soriano na Itanong mo kay Soriano Biblia ang Sasagot ay isang programa sa telebisyon na masasabi kong pag walang paggabay ng Dios ay hindi magagawa ng isang tao, yong sumagot ka ng tanong on the spot ay mahirap magawa sa kakayahan ng isang tao, considering na si bro eli soriano ay hindi naman nakapagaral ng kolehiyo, ang pagiging mangangaral ng Dios ay di naman makukuha dahil sa pinagaralan.
" Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila’y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila’y nangakasama ni Jesus." GAWA 4:13
May mga apostol si Kristo hindi man lang nakapagaral, pero may nagbubukod sa kanila sa mga bulaang propeta ng panahon nila, yong karunungang dala-dala nila di kayang madaig ng mga hindi sa Dios, yan naman ay patotoo ng Panginoong Hesus sa kanyang mga alagad.
" Ito’y magiging patotoo sa inyo. Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:Sapagka’t bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit." Lucas 21:13-15
Itong talatang ito dapat makita ito sa isang mangangaral, kapag nakita mo sa isang mangangaral ay nakakatiyak ka na siya nga ay sugo ng Dios, at itong talatang ito nakikita kong natutupad kay bro.eli, wala namang pastor sa panahong ito nakakagawa ng ginagawa ni bro.eli, si manalo hindi nga makalabas para matanong ng tao, si Quibuloy ayaw ngang magpatanong ng talata, samantalang sa biblia utos ngang tanunging ng miembro ang kanilang pastor.
"Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi" Hagai 2:11
Si Quibuloy ayaw magpatanong at pag nagtanong ka daw ay anak ka ni satanas, nakakaawang paniniwala, na sa isang tao na gumagamit ng kaisipan ay hindi maililigaw nitong si Quibuloy,
kaya kung ikaw ay isang sa Dios na mangangaral dapat handa ka namang sumagot ng lahat ng katanungan ng tao.
" Kundi inyong sambahin si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot" 1 Ped 3:15
Ito ang mga katangian na dapat makita natin sa isang sa Dios na mangangaral yong handang matanong ng tao patungkul sa Biblia, At ito ang nakita ko kay bro. eli Soriano na wala sa kahit kaninong pastor sa panahong ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento